BALIKTAD NA WATAWAT NG PILIPINAS, INULAN NG SAMU’T SARING REAKSYON


 

Viral ang isang larawan na nagpapakita sa baliktad na pagkakalagay ng watawat ng Pilipinas sa isang opisina ng gobyerno sa Cagayan de Oro City.

Sa kuhang larawan ng isang netizen, makikita na sa halip na kulay asul ang dapat na nasa itaas ay kulay pula ang pagkakalagay sa watawat ng Pilipinas sa isang ahensya ng gobyerno.

Sa kasaysayan ng Pilipinas, kapag ang kulay pula ng watawat ay nasa itaas ay nangangahulugan lamang ito ng digmaan sa bansa.

Maraming netizens naman ang pumuna at bumatikos sa naturang larawan.

Ngunit, paliwanag ng Bureau of Local Government Finance Region X na isa itong “honest mistake”.

Sa isang ulat, ipinahayag ng naturang ahensya na hindi ito napansin ng kanilang liason officer na mayroong disability na baliktad pala ang pagkakalagay ng watawat.

Kaagad namang tinanggal ng nasabing ahensya ang baliktad na watawat.

Samantala, hinimok pa ng BLGF-10 ang publiko na tigilan na pagpapakalat ng maling impormasyon at mga spekulasyon na maaaring magdulot ng panic.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog