LALAKI SINIKO NI 'BATMAN' HABANG NAGLALARO NG BASKETBALL SA KALIBO



Nagtamo ng sugat sa mukha at kanang mata ang isang lalaki matapos itong masiko ng kinikilalang 'Batman' sa Purok 2 C. Laserna St., Kalibo bandang 6:30 kagabi, Mayo 21.

Inireklamo ng biktimang si Joven Valdez, 26-anyos na residente ng naturang lugar ang insidente sa Kalibo PNP.

Kwento nito, naglalaro ito ng basketball sa half court ng nasabing lugar nang bigla na lang itong siniko ni alyas 'Batman' dahilan na magtamo ito ng sugat sa mukha.

Inabisuhan naman ng mga pulis ang biktima na sumailalim sa medical examination habang ini-refer ang kaso sa Barangay Justice System sa barangay Andagao.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog