5-ANYOS NA BATANG LALAKI, PINATAY UMANO NG KAPATID SA INA


 

WARNING: SENSITIVE CONTENT

Patay ang 5-anyos na batang lalaki matapos itong hampasin ng bato at lunurin ng half-brother nito sa ina sa Brgy. Suba-Basbas, Lapu-Lapu City.

Sa isang ulat, sinasabing nagalit ang katorse anyos na binata nang ito’y pagalitan ng stepfather dahil sa panununtok.

Kung kaya’t ibinuhos nito ang galit sa kaniyang half-brother kung saan nilunod nito ang nakababatang kapatid tsaka binato ng bato para hindi lumutang sa dagat.

Aktwal naman itong nasaksihan ng isa pa nilang kapatid na 8-anyos na umaming pinagbantaan ito ng nakakatandang kapatid na manahimik upang hindi siya madamay.

Ngunit, agad itong isinumbong ng 8-anyos na bata sa kanilang ina at dito na narekober ang katawan ng biktima.

Bago ito, hindi pa alam ng pamilya kung sino ang suspek dahil sa pananahimik ng 8-anyos na siyang saksi sa nangyari bunsod na rin ng takot sa pambabanta ng suspek.

Samantala, nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang katorse anyos na suspek.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog