Patuloy na namang namamayagpag ang Pilipinas sa sektor ng turismo sa buong Asya matapos na ito’y mapasama sa mga nominado s apitong kategorya ng World Travel Awards (WTA) 2024.
Ngayong taon, ang bansa ay nominado bilang Asia’s Leading Beach Destination, Asia’s Leading Dive Destination, at Asia’s Leading Island Destination.
Kinabibilangan ito ng makasaysayang Walled City of Intramuros na muling ba-nominate bilang Asia’s Leading Tourist Attraction, habang hindi pa rin mawawala sa listahan ang Boracay na nominado bilang Asia’s Leading Luxury Island Destination, at ang Cebu bilang Asia’s Leading Wedding Destination.
Gayundin, kasamang muli sa mga nominado ang Department of
Tourism (DOT) bilang Asia’s Leading Tourist Board.
Nagpahayag naman si Tourism Secretary Christina Garcia
Frasco ng pasasalamat sa WTA sa muling pagkilala sa Pilipinas hindi lang sa
Asya kundi pati na rin sa buong bansa.
Maliban sa mga nabanggit na awards, kinilala din ang
Pilipinas bilang Destination of the Year ng oline travel platform na TripZilla at
Asia’s Best Cruise Destination ng WTA.
Matatandaang limang taon nang kinikilala ang bansa sa WTA
mula pa noong 2019.
0 Comments