Ibinunyag ni dating Ilocos Sur Gov. Chavit Singson na
nakatakdang gagawin sa Pilipinas ang Season 2 ng Kdrama series na ‘Vagabond’.
Napag-alamang si Singson ang magsisilbing isa sa mga
producer ng naturang series.
Sa isang media interview, ibinahagi ni Singson na nakatakdang
ipagpapatuloy sa Pilipinas ang ‘Vagabond’ ngunit inuuna pang ayusin ang script
nito.
Dagdag pa niya, may ilan ding mga Filipino actor ang
kasama sa series na gaganap sa ilang mga special roles at pati siya mismo ay parte
din ng production.
Ang “Vagabond” ay inilabas noong 2019 na pinagbibidahan
nina Bae Suzy at Lee Seung-gi kung saan nakatuon ang kwento sa pagtutuklas ng
totoong nangyari sa misteryosong pagbagsak ng eroplano ng South Korea na kumitil
ng 211 na mga sibilyan kabilang na ang mga batang nasa isang school class trip.
Maliban sa mataas na viewership, ang unang season ng “Vagabond”
ay humakot ng mga parangal mula sa SBS Drama Awards kung saan tinanghal na Top
Male Excellence Award in Miniseries ang bidang si Lee Seung-gi at Top Female
Excellence Award in Miniseries naman si Bae Suzy.
Nakuha din ng dalawa ang Best Couple Award, Best
Supporting Actress naman si Moon Jeong-hee, at iginawad sa series ang Hallyu
Contents Award.
0 Comments