Kaliwa’t kanan ang natatanggap na pangba-bash ng isang food business na “Taragis” mula sa netizens dahil sa kanilang April Fools’ Day challenge.
Sa halip kasi na maging
katuwaan ay sineryoso ito ng isang lalaki at ginawa ang challenge.
Ang challenge na ibinahagi ng
“Taragis” sa kanilang Facebook page ay nangako itong magbibigay ng halagang
P100,000 bilang premyo sa sinumang handang magpa-tattoo ng kanilang logo sa
katawan.
Dahil dito, agad itong umani
ng atensyon sa madla lalo na sa papremyo nitong P100,000.
Kaugnay nito ay nagpahayag naman ng paglilinaw ang naturang local food business sa kanilang page na ang nabanggit na challenge ay isa lamang prank para sa April Fools’ Day matapos na ito’y seryosohin ng isang lalaki.
Nabanggit pa sa post na
naninindigan ang Taragis na wala silang pananagutan sa nangyari at inabisuhan
pa ang publiko ukol sa importansya ng “reading comprehension”.
“It’s April Fools’ Day.
Never trust anything or anyone. The same as any other day,” saad ng Taragis.
Maraming netizens naman ang nagbahagi
ng iba’t ibang reaksyon sa pahayag ng Taragis at inakusahan ng “negligence” “insensitivity”
habang may ilan namang dumepensa at sinabing “responsibility and the need for
reading comprehension and media literacy”.
Ipinunto pa ng isang netizen
na dapat managot ang Taragis sa nangyari lalo na’t hindi alam ng lahat ang
April Fools’ Day.
“Man got his forehead
tattooed bc of your post & yet you claim that YOU ARE NOT ACCOUNTABLE? ‘di
lahat alam ang “April fool’s” na yan & April 1 is literally a normal day sa
calendar ng Philippine Law?? 🤡 So
yes, Taragis Ta-Q-Yaki, YOU should be held accountable 🙂.
Samantala, iniimbestigahan
na ng mga awtoridad sa lugar kung totoo nga bang nagpa-tattoo ang lalaki.
0 Comments