FACE APP, KAYANG TUKUYIN KUNG MAY CRIMINAL RECORD ANG SUSPEK SA ILANG SEGUNDO

 


Kasalukuyang ginagamit na ng Quezon City police ang pinakabagong facial recognition application sa itinayong Unified Intelligence and Investigation Center o UIIC.

Ang naturang app ay may kakayahang matukoy kung mayroong criminal record at pending warrant of arrest ang isang suspek sa loob lamang ng ilang segundo.

Sa pagkuha ng larawan sa nahuling subject, ipapasa ito sa Viber group ng QCPD Cyberpatroller Group. Pagkatapos, iko-cross match sa unified system ang larawan at doon malalaman kung mayroong warrant of arrest o criminal record ang suspek.

Maliban dito, malalaman rin kung gumagamit ang suspek ng ibang pangalan o peke ang ID na ipinapakita nito.

Ayon kay QCPD Director PBGen. Redrico Maranan, malaking tulong ang bagong app para sa accurate identification ng mga suspek, lalo't marami ang nakakalusot sa paggawa ng mga pekeng dokumento.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog