‘DOBLE INGAT NGAYONG FIRE PREVENTION MONTH’- PROVINCIAL FIRE MARSHAL AKLAN



Doble pag-iingat ang kinakailangan ng publiko ngayong pumasok na ang Fire Prevention Month.
Ito ang ipinunto ni FSUPT Kim Celisio, Provincial Fire Marshal-Aklan sa panayam ng K5 News FM, dahil inaasahan din aniya sa panahong ito ang epekto ng tag-init gayundin ang El Niño na kadalasang nagiging ugat ng sunog dahil sa mga nakasaksak na mga appliances.
Dahil dito, pinayuhan ni Celisio ang publiko na maging alerto at magdoble ingat sa pamamagitan ng pag-unplug sa mga appliances, pag-check ng mga kagamitan sa bahay partikular na ang mga gumagamit ng kuryente at iba pang posible na pagmulan ng sunog.
Importante din aniya na alamin ang numero sa bawat fire stations upang mabilis silang makontak sakaling kailanganin ang kanilang serbisyo at para sa mabilis na pag-responde.
Sa huli, ipinunto din nito ang kahalagahan na malaman ng publiko ang mga dapat gawin at iwasan kapag may sunog. |TERESA IGUID

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog