REFRESHING WATER SA LINAW RIVER, MATATAGPUAN SA NABAS


 

EXCLUSIVITY AT LIBRENG PALIGUAN?

Tara, ating bisitahin ang ilog ng Linaw sa Barangay Laserna, Nabas, Aklan.
Dito, mararanasan ang pagiging exclusive na walang entrance fee.
Pupwede kang mag-picnic, damhin ang katahimikan at sariwang hangin mula sa kalikasan.
Taglay din ng ilog ang malinis at sobrang linaw na tubig na dumadaloy mula sa cold spring.
Para makarating dito, sumakay ng sasakyan patungong Nabas bago ang “Gazz Station” (isang gasoline station). Pagkatapos ay tumungo sa Brgy. Laserna kung saan naroroon ang mga ipinagmamalaking Cold Springs ng nasabing barangay.
Para sa mas kumpleto at detalyadong impormasyon sa direksyon patungong Linaw River, magtanong sa mga residente at tiyak masasaksihan ang isa pang ilog na talaga namang babalik-balikan.
Kaya, tara na mga ka-K5! Byahe tayo!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog