ILOG NA KAHAWIG NG SIRENA, MAYROON SA ALTAVAS?

 



Ang munisipalidad ng Altavas ay biniyayaan ng natural beauty na maaaring bisitahin ng mga local at foreign tourist kapag ito’y dinevelop.

Isa na rito ang Tinagong Dagat na may 8 kms ang haba at 4 kms ang lapad na matatagpuan sa pagitan ng dalawang bayan – ang Batan at Altavas ngunit hindi ito masyadong natatanaw mula sa Batan Bay view dahil sa dalawang maliliit na mga isla na natatabunan ng mga mangroves at mabatong beaches.


Ngunit, mga ka-K5, alam niyo ba na mayroon palang ilog ang Altavas na hawig sa hugis ng isang sirena?

Ito ay ang Kataw River na 10-minutes lang ang layo mula sa Poblacion, Altavas at 200 meters mula sa national road ng Tibiao.

Kaya, tinawag na Kataw ang nasabing ilog dahil sa pagkakahawig ng hugis nito sa isang sirena.


Perfect na perfect ito sa mga naghahanap ng refreshing na paliligo sa malamig at crystal clear na tubig.

Bagama’t hindi pa masyadong fully-developed ang lugar, nakikitang may potensyal ito na gawing tourist attractions ng bayan ng Altavas.

Kaya mga ka-K5, tara at ating bisitahin ang mala-sirenang ilog sa Altavas!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog