KILAUEA VOLCANO, SUMABOG SA IKATLONG PAGKAKATAON NGAYONG TAON


Pumutok sa ikatlong beses ngayong taon ang bulkang Kilauea sa Big Island, Hawaii nitong Linggo, Setyembre 10.

Batay sa US Geological Survey, ang lava flow nito ay limitado lamang sa nakapalibot na crater floor ng bulkan ngunit maaaring magdulot ng hirap sa paghinga ang volcanic particles at gases mula sa bulkan.

Bago ang pagsabog ay nagkaroon ng malakas na pagyanig na sinundan ng “rapid uplift” ng summit.

Ang Kilauea ay isa sa mga pinaka-aktibong bulkan sa mundo kung saan daan-daang bahay ang nasira dulot ng pagsabog nito noong 2019. | JURRY LIE VICENTE

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog