Gulat ng makita ng mga byahero ang lalaking walang saplot sa Dalas-Fort Worth International Airport na kung saan huli rin sa camera ng isang pasahero ang tila pag-iikot nito sa kabila ng abala sa nasabing airport.

Sa isang ulat, nirespondihan umano ng Dallas-Fort Worth International Airport Department of Public Safety  ang lalaking naglalakad sa loob ng terminal.

Agad nila itong inaresto at dinala sa kanilang kustodiya upang sumailalim sa mental health evaluation.

Samantala, hindi naman binanggit ng kapulisan kung kakasuhan ang lalaking walang damit.  | VILROSE CUAL