CHINA, NAKA-HIGH ALERT MATAPOS DUMAAN SA TAIWAN STRAIT ANG BARKO NG ESTADOS UNIDOS AT CANADA


Kaagad na isinailalim sa high alert ang bansang China matapos dumaan ang dalawang barko ng Estados Unidos at Canada sa Taiwan Strait.

Ayon kay Senior Colonel Shi Yi, inorganisa ng Eastern Theatre Command ng People’s Liberation Army ang naval at air forces upang mag-trail ng kanilang kabuuang teritoryo at manindigan sa pamamagitan ng batas at regulasyon.

Ang dalawang barko ay natukoy na “Johnson” ng Estados Unidos at “Ottawa” ng Canada.

Napag-alaman na inaangkin ng China ang Taiwan na sakop ng ilang teritoryo kung saan ikinagalit naman ng Taiwanese government. | JURRY LIE VICENTE

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog