BAN SA BOMB JOKES, THREATS SAKOP LAHAT NG PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON




Sakop ng pagbabawal sa pagbibiro o pagbabanta tungkol sa bomba ang lahat ng uri ng pampublikong transportasyon.

Paalala ni Department of Transportation Sec. Jaime Bautista, inaaresto ang mga taong nagbibitiw ng bomb jokes at bomb scares sa mga paliparan.

Matatandaan na inaresto ang isang lalaki sa Shaw Boulevard station sa MRT-3 noong Marso matapos magbiro tungkol sa bomba habang iniinspeksyon ng gwardya ang bag nito.

Samantala, nakasaad sa Presidential Decree No. 1727 na may kaukulang parusa ang bomb jokes at bomb threats na hanggang ₱40,000 na multa o pagkakulong na hanggang limang taon.

|JURRY LIE VICENTE





Post a Comment

0 Comments

Search This Blog