36 NA ESTUDYANTE SA BATANGAS, ISINUGOD SA OSPITAL MATAPOS MAKALANGHAP NG USOK MULA SA BULKANG TAAL


 

Nasa 36 na mga estudyante ng Bayorbor National High School at Bayorbor Senior High School sa Bayan ng Mataas na Kahoy sa Batangas ang isinugod sa isang Rural Health Unit matapos makalanghap ng usok mula sa Bulkang Taal.
Ayon sa Department of Health (DOH), karamihan sa mga estudyante ay nahirapang makahinga, masakit ang tiyan at nagka-allergy.
Paalala ng ahensya, nasa Alert Level 1 ang Taal kung saan patuloy itong nakakapagtala ng mga phreatic explosion, mga pagyanig at pagbuga ng abo.
Samantala, maaari ring magkaroon ng problema sa lalamunan at iba pang respiratory infection ang makakalanghap nito.|JURRY LIE VICENTE

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog