‘UNANG KAGAT, MAY PAKO AGAD’



Ikinagulat ng isang Facebook user na mula sa Sto. Domingo, Albay matapos makabili ng spanish bread sa bakery na may palaman na pako. 

Ayon kay Mak Rodriguez, suki na siya ng nasabing panaderya kaya ganoon na lang ang gulat niya nang habang nginunguya ng asawa niya ang tinapay ay may naramdaman itong matigas na bagay. 

Nang iluwa ni misis ang kinakain ay tumambad sa kanila ang pako. 

Dagdag pa ni Rodriguez, mabuti na lamang at hindi ang anak niya ang nakakain ng nasabing tinapay dahil ospital ang bagsak nito kapag nagkataon. 

Itinanggi naman ng may-ari ng bakery na sinadya ang pangyayari at iginiit na maingat ang kanilang mga tauhan sa paggawa ng tinapay. 

Ito rin ang unang beses na nakatanggap sila ng ganitong reklamo sa kanilang mamimili. | JOHN RONALD GUARIN 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog