TV-HOST ACTRESS TONI GONZAGA, ISINILANG NA ANG 2ND BABY

 


Isinilang na ng tv-host actress Toni Gonzaga ang ikalawang anak nila ng asawang si Paul Soriano. 

Nabatid sa kaniyang social media account na ipinakilala ni Toni ang kaniyang bagong silang na baby girl.

Pinangalanan nila itong si Baby Paulina Celestine na isinilang sa St. Lukes’s Hospital sa Bonifacio Global City, Taguig nitong Agosto 11. 

Matatandaan na una na nitong inihayag  sa publiko noong Hunyo ang pagbubuntis ng aktres. 

Samantala, kabi-kabila naman ang natanggap na pag-bati ng mag-asawa mula sa kanilang mga fans at kasamahan sa showbiz. |Ni Teresa Iguid

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog