TREN BUMANGGA SA PICKUP TRUCK SA THAILAND, 8 PATAY

 


Walo ang patay habang apat ang sugatan sa nangyaring salpukan sa pagitan ng freight train at pickup truck sa crossing ng riles sa eastern Thailand nitong Biyernes, Agosto 5.

Batay sa ulat ng State Railway of Thailand (SRT), bandang alas 2:20 nang mangyari ang insidente kung saan sinapul ng cargo train ang pickup truck sakay ang mga manggagawa ng railway crossing sa Chachoengsao province.

Sinasabing nagpatunog pa ng warning ang driver ng tren bago dumaan sa unauthorized crossing ngunit tumawid pa rin ang driver ng pickup truck nang hindi napapansin ang paparating na tren.

Nangyari ang aksidente sa level crossing na walang automatic barriers.

Samantala, sinabi ni SRT na sinusubukan nilang mabawasan ang mga aksidente sa paglalagay ng warning signs at flashing lights sa magkabilang bahagi ng crossing. |Ni Jurry Lie Vicente

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog