S. KOREAN GIRL GROUP NA NEWJEANS, NANGUNGUNA SA BILLBOARD CHART

 


S. KOREAN GIRL GROUP NA NEWJEANS, NANGUNGUNA SA BILLBOARD CHART

Ni John Ronald Guarin

 

Numero uno sa U.S. Billboard 200 album chart ang ikalawang mini album ng South Korean girl group na NewJeans noong Miyerkules, Agosto 2.

 

Mula sa Extended Play (EP) na ‘Get Up,’ tatlong kanta rito ang nakapasok sa Billboard's Hot 100 chart, kung saan sila ang kauna-unahang Kpop girl group na makagawa ng naturang rekord.

 

Sa pahayag ng mga eksperto, naging matagumpay ang mga kanta ng NewJeans dahil ‘trendy’ ang estilo ng kanilang musika.

 

Halimbawa, ang tatlong lead tracks na "Super Shy," "ETA" at "Cool With You," ay hindi aabot sa tatlong minute.

 

Ayon kay Kim Do Heon, isang music critic, ang mga maiikling kanta ang humahakot sa nakababatang henerasyon mula pa noong 2020 dahil sa social media platform na Tiktkok.

 

Inilabas ang mini album na ‘Get Up’ sa lahat ng streaming platforms noong Hulyo 21, 2023 habang nakapag-perform na ang NewJeans sa Lollapalooza sa Chicago kung saan sila ang pinakaunang South Korean girl group na inimbita sa naturang music festival.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog