PINAY SCIENTIST, NAKAIMBENTO NG HEALTHY BEER

 


PINAY SCIENTIST, NAKAIMBENTO NG HEALTHY BEER


Isang Pinay scientist ang naka-imbento ng isang “healthy beer” na may halong durian powder probiotics.

Ayon sa gumawa nito na isang Dabawenya na si Kriza Faye Calumba, ginawa niya ang nasabing beer pagkatapos mag-aral ng dalawang taon sa Amerika.

Dahil sa healthy na mga sangkap, maganda raw saq tiyan partikular sa gastrointestinal health dahil sa mga bacteria na mula sa probiotics na tinutulungang mabuhay ng durian.

Ang magandang imbensyon na ito ni Calumba ay kinilala sa annual conference ng International Food Technologist Inc. at nag-third place din Biotechnology Division Poster sa Chicago, Illinois.

Taong 2017 nang makapag-aral ito sa Louisiana State University sa Amerika sa pamamagitan ng Fullbright-CHED scholarship at doon natutunan ang paggawa ng beer.

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog