PAG-IMPORT NG 35,000 METRIC TONS NA ISDA, APRUBADO NA!

 


PAG-IMPORT NG 35,000 METRIC TONS NA ISDA, APRUBADO NA!

Ni John Ronald Guarin

 

Inaprubahan na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng nasa 35,000 metric tons ng mga isda tulad na ng galunggong.

 

Sa pahayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), mag-iimport sila ng mga isda para maagapan ang kakulangan ng suplay ng isda dulot ng pagtatapos ng fishing season.

 

“"Para mapunan natin yung gap sa ating supply sa wet markets kaya po tayo nagkakaroon ng importation," pahayag ni Nazer Briguera ng BFAR.

 

Maliban sa galunggong, nakatakda rin sila mag-import ng moonfish (bilong-bilong), mackerel, bigeye scad (matambaka), at marami pang iba.

 

Nakatakdang dadating ang imports ng isda mula Oktubre 2023 hanggang Enero 15, 2024.

 

Iklinaro rin ni Briguera na kailangan nilang mag-import ng mga isda dahil hakbang ito ng kanilang ahensya na maging sustenable ang pinagkukunan natin ng pagkain.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog