OLYMPIC MEDALIST HIDILYN DIAZ, PANGUNGUHAN ANG MAGNIFICENT 7
Pangungunahan ni Tokyo
Olympics gold medalist Hidilyn Diaz ang “Magnificent Seven” ng bansa sa nalalapit
na World Weightlifting Championships na itinakda sa Setyembre 4 hanggang 17 sa
Riyadh, Saudi Arabia kung saan kailangan nila kumuha ng qualifying points para
makapasok sa Paris Olympics sa susunod na taon.
Bukod kay Diaz, bubuuin
din ng nasabing koponan sina Tokyo Olympian Elreen Ando, Asian and World
junior champion Vanessa Sarno, John Febuar Ceniza, Rosegie Ramos, Lovely Inan
at Kristel Macrohon.
“This is an Olympic
qualifying event and we’re hoping for the best,” pahayag Samahang Weightlifting
ng Pilipinas president Monico Puentevella.
Sa kanilang pito, sina Diaz, Sarno at Ceniza ang may pinakamalakas na tsansa na makapasok sa quadrennial event dahil sila ay kasalukuyang nasa top 10 ng kani-kanilang dibisyon. | JOHN RONALD GUARIN
0 Comments