NAPOCACIA, DISMAYADO SA GROUND BREAKING CEREMONY NG AIRPORT RESETTLEMENT PROJECT


Dismayado ngayon ang grupo ng Nalook, Pook, Caano, Estancia small farmers and home owners association (NAPOCACIA) matapos ang isinagawang ground breaking ceremony para sa Airport Resettlement Project nitong Biyernes.

Sa panayam ng Radyo bandera Sweet FM Kalibo kay German Baltazar, spokesperson ng NAPOCACIA, ikinagulat na lamang nito na ang relocation site ay sa Tigayon at hindi sa Nalook Kalibo kagaya ng inaasahan nila. 

Ito aniya ay nakatago sa liblib na lugar at malapit sa ilog habang malayo rin ito sa eskwelahan at airport.

Dahil dito, marami pa aniyang dapat pag-usapan sa pagitan ng kanilang grupo at lokal na pamahalaan ng Kalibo kung nagpatawag ang mga ito ng dayalogo.

Dagdag pa nito, sagutin umano ng alkalde kung bakit maliit ang housing dahil marami namang ahensya ang tumutulong para sa proyekto at ipakita aniya ng tama kung saan sila nararapat irelocate na lugar.



Giit pa nito, nagsagawa na aniya ng bidding para sa housing ngunit hindi pa ito dumaan sa pakikipagdayalogo.

Ipinaabot din nito na marami pa ring residenteng naapektuhan sa expansion ng Kalibo International Airport (KIA) ang hindi pa nababayaran hanggang sa ngayon.

Samantala, pinagsisikapan din umano ng grupo na maimbestigahan ang problema upang malaman kung sino ang may pagkakamali habang hiniling din nito sa alkalde na masagot ang kanilang reklmo. |Ni Jurry Lie Vicente

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog