Patay ang isang brodkaster sa Cotabato City nitong Lunes, batay sa pahayag ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).
Ayon sa PTFoMS, kinilala ang
biktima na si Mohammad Hessam Midtimbang, 32-anyos, host ng Bangsamoro Darul
Ifta radio program sa Gabay Radio 97.7 FM.
Batay sa inisyal na
imbestigasyon, pinagbabaril ang biktima sa Governor Guttierez Avenue sa
nasabing lungsod.
Kaagad namang isinugod ang
biktima sa ospital ngunit binawian din ng buhay.
Samantala, sinabi ni PTFoMS
executive director Paul Gutierrez na nakipag-ugnayan ang task force sa
Philippine National Police sa imbestigasyon. |

0 Comments