AKLAN, KABILANG SA 11 MGA LUGAR NA NAKITAAN NG EPEKTO NG EL NIÑO SA BANSA



AKLAN, KABILANG SA 11 MGA LUGAR NA NAKITAAN NG EPEKTO NG EL NIÑO SA BANSA

Ni John Ronald Guarin

 

Unti-unti nang nararamdaman ang epekto ng El Niño phenomenon sa 11 mga probinsya sa bansa.

 

Ang mga lugar na nakapag-rekord ng mababang lebel ng pag-ulan ay ang: Aklan, Capiz, Zamboanga del Sur, Davao del Sur, Davao Occidental, South Cotabato, North Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat, Basilan at Maguindanao.

 

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), nararanasan sa naturang mga probinsya ang ‘below normal’ na pag-ulan sa loob ng dalawang buwan, at posible pang madagdagan ang numero ng mga probinsya na makakaranas naturang epekto ng El Niño sa mga susunod na buwan.

 

Ipinaliwanag naman ng ahensya na ang El Niño ay isang weather condition kung saan nagpapakita ito ng mas mainit na temperature sa itaas na bahagi ng karagatan sa bahagi ng central at eastern equatorial Pacific (CEEP).

 

Dagdag pa ng PAGASA, magdadala ng negatibong resulta ang El Niño sa bansa lalong-lalo na ang pagtuyo ng mga lupa sa iilang mga lugar.

 

Ngunit sa kanlurang bahagi ng bansa tulad ng Western Visayas, posibleng magdala ang Habagat season ng ‘above normal’ na pag-ulan.

 

(with reports from PhilStar)

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog