WHOLE-OF-GOVERNMENT APPROACH LABAN SA KAHIRAPAN, IPAPATUPAD
Ni Jurry Lie Vicente
Ipinag-utos ni Pres. Ferdinand Marcos Jr., ang paggamit ng whole-of-government
approach bilang solusyon sa kahirapan.
Ito ang inihayag ng Pangulo sa isinagawang en banc meeting
ng National Anti-Poverty Commission (NAPC), kung saan binanggit nito ang
magandang koordinasyon sa lahat ng ahensya na nagbibigay ng social services at
local government units (LGU).
Dagdag pa ng Pangulo, dapat malaman ng bawat ahensya ang
kanilang tungkulin na tumulong sa publiko sa komunidad na kanilang nasasakupan.
Iminandato rin ni PBBM sa NAPC na tukuyin ang mga lugar na hindi nakatanggap ng tulong, walang maayos na kalsada, walang pasilidad at imprastraktura upang mapuntahan at mabigyan ng tulong.
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
👉Mabibili
Sa Lahat Ng Branch Ng Clinica De Alternativo At Sa Mga Nangungunang Botika Sa
Inyong Lugar
Maaari ring umorder thru shopee:
🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina
For More Inquiries Call Us At: 0966-901-9208
0 Comments