TEAM PINAS, BIGONG MAKUHA ANG KAMPYEONATO SA 2023 PVL; KURASHIKI ABLAZE, BUKAS NA SANAYIN ANG MGA ATLETANG PINOY

 


TEAM PINAS, BIGONG MAKUHA ANG KAMPYEONATO SA 2023 PVL; KURASHIKI ABLAZE, BUKAS NA SANAYIN ANG MGA ATLETANG PINOY

 

Naging mahigpit ang labanan ng Team Pinas sa championship ng 2023 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference kontra Kurashiki Ablaze nang umabot sa ikalimang set ang laro. 

Sumabak sa kampyeonato ng PVL ang Creamline Cool Smashers subalit nabigo itong makuha ng grupo dahil sa pinakawalang atake ni Saki Tanabe na sinundan ng title-clinching ace ni Asaka Tamaru ng Kurashiki Ablaze.

Bagama’t bigong makuha ang panalo, pinuri naman ng grupong Kurashiki Ablaze ang mga atletang Pinoy sa ipinakitang magandang laro.

Umaasa naman si Hideo Suzuki, head coach ng Kurashiki Ablaze, na magkaroon ng mahigpit na partnership ang Japan at Pilipinas. 

Gayundin, nag-alok din si Suzuki na sasanayin nito ang mga Pinoy na volleyball players sa Japan para tulungan silang matuto ng kanilang istilo sa paglalaro. 

Nabatid na nilampaso ng Kurashiki ang kanilang anim na laro sa PVL upang masungkit ang titulo at maging kauna-unahang foreign team sa kasaysayan ng PVL na makakuha ng tropeo. /Ni Sam Zaulda

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog