PUBLIKO, PINAG-IINGAT SA MGA MAKUKUHANG SAKIT SA PANAHON NG EL
NIÑO
Muling nagpaalala ang isang Infectious Disease Expert sa
publiko laban sa mga sakit na nakukuha sa panahon ng El Niño.
Sa isang pahayag, binanggit ni Dr. Rontgene Solante ang mga sakit
tulad ng typhoid fever na mula sa salmonella, hepatitis A, at cholera na
kadalasang nararanasan sa panahon ng El Niño.
Pagdating naman aniya sa mga virus, o mga viral infection na
karaniwang kumakalat ay rota virus at novo virus tulad ng amoebiasis.
Nilinaw din ni Solante na ang mga sakit na ito ay nakukuha
dahil sa pag-iipon ng tubig sa panahon ng El Niño, na nauuwi sa kontaminasyon
na naiinom ng tao.
Bukod dito, dumadami rin ang mga nagkakasakit ng malaria at
dengue sa panahon ng El Niño dahil sa parehong dahilan sapagkat namamahay ang
mga lamok sa mga nakaimbak na tubig na walang takip.
Kaugnay dito, pinayuhan ni Solante ang publiko na maging
maingat upang hindi dapuan ng mga naturang sakit.
Ni Jurry Lie Vicente
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
👉Mabibili Sa Lahat Ng Branch Ng Clinica De Alternativo At Sa Mga Nangungunang Botika Sa Inyong Lugar
Maaari ring umorder thru shopee:
🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina
For More Inquiries Call Us At: 0966-901-920
0 Comments