PRESONG NAKATAKAS SA ARC, NANGANGANIB NA MAKA-AVAIL NG PLEA BARGAINING- ATTY. GONZALEZ

 


PRESONG NAKATAKAS SA ARC, NANGANGANIB NA MAKA-AVAIL NG PLEA BARGAINING- ATTY. GONZALEZ

 

Nangangnib na maka-avail ng plea bargaining ang presong si Randy Fulgencio na una nang napaulat na tumakas mula sa Aklan Rehabilitation Center (ARC) at mahigit isang buwan na nagtago bago tuluyang nahuli ng mga otoridad.

 

Sa programang Foro De Los Pueblos sinabi ni Atty. Axel Gonzalez, na dahil sa naging pagtakas nito sa batas ay posibleng maapektuhan ang desisyon ng korte na gawaran ito ng plea bargaining dahil bago rin aniya ito makuha ay kailangang din na mayroon itong magandang rekord.

 

Maliban dito, sinabi din ni Atty. Gonzalez na aasahan pa ang panibagong kaso na kahaharapin ni Fulgencio bunga ng kaniyang naging pagtakas.

 

Kaugnay naman sa naging pahayag ni Fulgencio na isa sa kaniyang rason sa naging pagtakas ay ang hindi magandang systema sa loob ng ARC, ipinaliwanag ng abogado na hindi basta-basta na maililipat ng facility ang isang preso na walang court order maliban na lamang kung mayroong emergency na nangyayari sa pasilidad tulad na lamang ng covid o sunog.

 

Samantala, umapela din ito sa mga kinauukulan partikular sa mga jail guards na maging responsable sa kanilang tungkulin dahil ang kahalintulad aniya na insidente ng pagkatakas ay maaaring maging daan upang makasuhan ang mga ito ng administratibo o tuluyang matanggal sa serbisyo.




Ni Teresa Iguid

Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

👉Maaari ring umorder thru shopee
🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina

For More Inquiries Call Us At: 0966-901-9208

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!




Post a Comment

0 Comments

Search This Blog