PINAKAMALAKING CRUISE SHIP SA BUONG MUNDO, HANDA NANG
LUMAYAG
Handa nang maglayag sa karagatan ng iba’t ibang bansa ang
itinuturing na pinakamalaking cruise ship sa buong mundo.
Ito’y matapos nakumpleto na ang konstruksyon nito sa pagawaan
ng barko sa Finland.
Kinilala ang nasabing cruise ship na Royal Caribbean
International’s Icon of the Seas kung saan mayroon itong 365 meters na haba at
tinatayang na 250,800 tonnes ang kapasidad ng bigat nito.
Inaasahang humigit-kumulang sa 5,610 na mga pasahero at
2,350 crew ang sakay ng naturang barko kung sakali maglayag ito sa katubigan ng
Caribbean sa Enero 2024.
Makikita sa cruise ship ang pinakamalaking waterpark sa
mundo kung saan tampok rito ang six record-breaking water slides pati mayroon
din itong pitong pools at siyam na whirlpools.
Samantala, ipinahayag ni Royal Caribbean International
president at chief executive Michael Bayley na ang nasabing barko ay sasama sa
Royal Caribbean fleet na idadaos sa Oktubre 26, mas maaga sa nakatakda nitong debut
sa 2024.
📸Royal Caribbean International
Ni Sam Zaulda
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili Sa Lahat Ng Branch Ng Clinica De Alternativo At Sa Mga Nangungunang Botika Sa Inyong Lugar
Maaari ring umorder thru shopee:
https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina
For More Inquiries Call Us At: 0966-901-9208
0 Comments