PAGSIMULA NG EL NIÑO, IDINEKLARA NA NG PAGASA

 


PAGSIMULA NG EL NIÑO, IDINEKLARA NA NG PAGASA

Ni John Ronald Guarin

 

Opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nagsimula na ang El Niño phenomenon sa Tropical Pacific at direktang maaapektuhan ang Pilipinas.

 

Sa naganap na press briefing, inilagay na ang warning status sa El Niño Advirsory.

 

Ayon sa PAGASA, mahina pa lamang ang dalang epekto ng El Niño ngunit wala pang nakikitang sinyales na lalakas ito sa mga susunod na buwan.

 

"Isipin niyo po na 'yung El Niño ay galing sa Pacific pero 'yung hangin na dumadating, 'yun 'yung nararamdaman natin, na kulang ang dalang tubig," pahayag ni Department of Science and Technology chief Renato Solidum Jr. sa isang press conference.

 

Ang El Niño ay isang phenomenon dulot ng abnormal na pag-init ng temperatura sa ibabaw na bahagi ng karagatan sa central at eastern equatorial Pacific Ocean at may mababang tsansa ng pag-ulan.

 

 

Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog