DEPLOYMENT NG 5,000 PULIS, PINAGHAHANDAAN NA PARA SA SONA
Naghahanda na ang Philippine National Police (PNP) na mag-deploy ng nasa 5,000 personnel para sa seguridad n pangalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa pahayag ng Quezon City Police District (QCPD), nasa 2,000 na mga pulis ang manggagaling sa kanilang tanggapan habang 3,000 naman sa ibang PNP stations sa labas ng lungsod.
Maliban dito, may 400 hanggang 500 na mga personnel din ang magbabantay sa SONA mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG).
Nilinaw naman ng PNP na ang deployment ay bilang suporta sa sergeant-at-arms ng House of Representatives, na siyang mangunguna sa pagpapatupad ng security sa gaganaping SONA sa Batasang Pambansa complex.
Wala pa namang natatanggap na aplikasyon para sa permit to rally ang QCPD na regular gingawa ng ilang mga grupo tuwing may SONA ang presidente.
Ni Rio Trayco
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
👉Mabibili Sa Lahat Ng Branch Ng Clinica De Alternativo At Sa Mga Nangungunang Botika Sa Inyong Lugar
Maaari ring umorder thru shopee:
🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina
For More Inquiries Call Us At: 0966-901-920
0 Comments