₱100K NA PABUYA, ALOK NG SAN
JOSE LGU PARA SA KINAROROONAN NG SUSPEK NA PUMATAY SA ARCHITECTURE STUDENT
Nagbigay na ng ₱100K na
pabuya ang lokal na pamahalaan ng San Jose, Occidental Mindoro upang agad na
matukoy ang sangkot sa pagkamatay ng isang architecture student.
Sa isang ulat, wala ng buhay
at tadtad ng mga saksak ang biktima nang maabutan ito sa loob ng inuupahang
apartment nitong Biyernes ng umaga sa Occidental Mindoro.
Nakilala ang biktima na si
Eden Joy Villacete, 21-anyos at isang graduating student ng Occidental Mindoro
State College.
Ayon sa imbestigasyon ng
pulisya, nagtamo ng ilang mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang
biktima at wala na rin itong suot na damit nang matagpuan na nakahiga sa kama.
Nawawala rin umano ang
cellphone at laptop nito.
Pahayag ni Police Lieutenant
Colonel Michael Donald Carnoso, hepe ng San Jose Police Station na malaki aniya
ang posibilidad na ginahasa ang biktima.
Samantala, narekober naman ng
mga imbestigador ang patalim na ginamit sa krimen habang patuloy pa
imbestigasyon sa nangyari.
Ni Sam Zaulda
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
👉Mabibili Sa Lahat Ng Branch Ng Clinica De Alternativo At Sa Mga Nangungunang Botika Sa Inyong Lugar
Maaari ring umorder thru shopee:
🛒https://shopee.ph/clinicadealternativomedicina
For More Inquiries Call Us At: 0966-901-9208
0 Comments