![]() |
| Courtesy: RJrey Agones Burlat |
“WALANG PERA, NO PROBLEM”
Ito ang naging sambit ng isang 34-anyos na artist mula sa
Carrascal, Surigao del Sur sa kanyang ibinahaging nakakamanghang obra tampok
ang mga pera ng Pilipinas.
Sa isang ulat, nakilala ang artist na si RJrey Agones
Burlat na halos 10 taon nang gumuguhit gamit ang watercolor, marker, colored
pencils, ballpoint pen, at airbrush para sa kanyang mga obra.
Kwento ni Burlat, karaniwang umaabot sa anim hanggang
pitong oras bago matapos ang isang 3D artwork depende sa pagkadetalyado nito.
Kasalukuyan namang nagtatrabaho si Burlat sa local government unit ng kanilang lugar at nagsisilbing sideline umano niya ang kanyang pagkahumaling sa pagguhit.
“Narerelax po ako pag gumuguhit..parang ‘yun ang laro ko.
Hilig ko na, nawawala mga iniisip kong bad,” saad nito.
via Balita
|SAM ZAULDA
Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#MIGHTYCEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De
Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refendor’s Building Osmenia Ave.
Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag
kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!


0 Comments