Tinawag na uto-uto ng ama ni Liza Soberano ang ilang netizens na pumapatol sa tsismis na umano’y hiwalay na ang magkasintahang Liza at Enrique Gil.
Ito’y matapos naglabas ng pahayag ang dating manager na si Ogie Diaz ukol sa hiwalayan umano nina Liza at Enrique.
Ani ni Ogie, naging dahilan ng hiwalayan ng nasabing celebrity couple ang desisyon ni Liza na pasukin ang Hollywood.
“Sana kung meron mang hindi pagkakaunawaan, ma-patch up nila. Sayang, ilang taon din sila, 8 years. Sayang!” dagdag pa nito.
Ngunit, pinabulaanan naman ito ng ama ng aktres kung saan sinabi nito Sa kanyang facebook post na dumadami na umano ang mga vloggers na uto-uto dahil pumapatol ang mga ito sa sabi-sabing wala namang katotohanan.
Unang
nakilala ang tambalang LizQuen nang magkaroon ito ng kanilang primetime
teleserye na “Forevermore” hanggang sa nasundan pa ito ng mga pelikulang naging
patok sa takilya.
|SAM ZAULDA
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili
sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and
Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments