POPE FRANCIS, SUMAILALIM SA HERNIA OPERATION
Ni Rio Trayco
Sumailalim sa abdominal hernia operation si Pope Francis ngayong araw sa Rome hospital, kung saan inaasahang mananatili ito sa pagamutan ng ilang araw.
Ayon sa tagapagsalita ng Vatican, nakakaranas ang 86-anyos na Santo Papa ng lumalala at pabalik-balik na sintomas ng hernia.
Bago ito, nauna nang bumisita sa Gemelli hospital nitong Martes ang lider ng simbahan para naman sa isang clinical test.
Matatandaang noong 2021 ay sumailalim rin ang Santo Papa sa colon surgery dahil sa isang uri ng diverticulitis.
Nabatid na dumadami na ang mga karamdaman ng nagsisilbing lider ng simbahang Katolika na tinatayang may 1.3 billion na miyembro sa buong mundo.
Noong buwan ng Marso ay na-confine rin ito ng tatlong gabi sa ospital dahil naman sa bronchitis.
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

0 Comments