PHILIPPINE PASSPORT HOLDERS, MAAARI NANG MAKAPUNTA SA CANADA KAHIT WALANG CANADIAN VISA


 


PHILIPPINE PASSPORT HOLDERS, MAAARI NANG MAKAPUNTA SA CANADA KAHIT WALANG CANADIAN VISA


Ni Sam Zaulda


Magsisimula na ngayong araw ang pagpapatupad ng visa-free entry sa Canada para sa mga Pinoy na may passport.

Ito’y matapos inanunsyo ng Sean Fraser, Minister of Immigration, Refugees and Citizenship Canada (IRCC) na kasama ang Pilipinas sa karagdagang 13 bansa na kabilang sa kanilang electronic travel authorization (eTA) program ngayong araw ng Miyerkules.

Dagdag pa ng IRCC na ang mga byaherong mula sa 13 bansa na mayroong Canadian visa sa nakalipas na 10 taon o kasalukuyang may hawak na valid na United States non-immigrant visa ay maaari nang mag-apply para sa isang eTA sa halip na isang visa kapag pupunta ng Canada sa pamamagitan ng eroplano.

Narito ang mga bansang kasama sa eTA program:

  • ·         Antigua and Barbuda
  • ·         Argentina
  • ·         Costa Rica
  • ·         Morocco
  • ·         Panama
  • ·         Philippines
  • ·         St. Kitts and Nevis
  • ·         St. Lucia
  • ·         St. Vincent and the Grenadines
  • ·         Seychelles
  • ·         Thailand
  • ·         Trinidad and Tobago
  • ·         Uruguay

Para sa pag-apply ng eTA, kinakailangang magkaroon ng valid passport ang mga byahero, credit card, email address at may access sa internet.


Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog