PBGEN. VILLAFLOR, PINAALALAHANAN ANG MGA PULIS SA AKLAN NA MAGING TAPAT SA SERBISYO

 


PBGEN. VILLAFLOR, PINAALALAHANAN ANG MGA PULIS SA AKLAN NA MAGING TAPAT SA SERBISYO


Pinaalahanan ni PBGEN. Sidney Villaflor ang mga kapulisan sa probinsya ng Aklan na ideklara ng tama ang mga narekober na ebidensya sa mga police operation.

Sa isinagawang command visit sa Aklan Police Provincial Office (APPO) ni PBGEN. Villaflor, sinabi nitong dapat taasan ang mga totoong accomplishment na walang bawas at walang imbento ng mga report.

Dagdag pa rito, gumawa ng objective kung saan nararapat gamitin ang MOOE na ibinibigay ng national headquarters upang magampanan ang tungkulin ng isang pulis at hindi ito ibinubulsa.

Mas mabuti aniya na kilalanin ang mga ordinary achievement ng mga PNP personnel lalo na ang mga nagtatrabaho ng tama.

Ipinaalala rin nito na huwag ituring na kalaban ang media at ituring ang mga ito bilang kakampi dahil makakatulong ang mga ito sa pagbabahagi ng mga nagawa ng kapulisan.

Sa kabila nito, sinabi ng opisyal na maliban sa pagpapatupad ng tungkulin ay dapat maging mabait din ang mga pulis, at bigyan ng oras ang panginoon gayundin ang pamilya.

Sa huli, binigyang diin ng opisyal na mahalaga ang reputasyon ng isang pulis sa serbisyo.


|Jurry Lie Vicente

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog