MGA HOG RAISERS SA AKLAN, IKINATUWA ANG PAGLABAS PASOK NG MGA HOG TRADERS UPANG MAKABILI NG BABOY SA PROBINSYA

 


MGA HOG RAISERS SA AKLAN, IKINATUWA ANG PAGLABAS PASOK NG MGA HOG TRADERS UPANG MAKABILI NG BABOY SA PROBINSYA


Ni Jurry Lie Vicente


Ikinatuwa ng mga hog raisers sa Aklan ang paglabas pasok ng mga hog traders upang makabili ng baboy sa ilang bayan sa probinsya.

Ito ang inihayag ni Mr. Jun Agravante, presidente ng Aklan Hog Raisers Association, sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo.

Dagdag pa ni Mr. Agravante, galing sa Iloilo ang mga hog traders na pumapasok sa probinsya para bumili ng baboy kung saan nakakatulong aniya ito sa mga hog raisers na maibenta kahit na sa murang halaga.

Sinabi rin nito na wala nang paraan na makalabas ang mga baboy dahil sa umiiral na Executive Order kaugnay sa African Swine Fever (ASF).

Maliban dito, hinahanapan pa aniya ng Certificate of Free Status (CFS) na dapat ligtas sa ASF ang mga baboy bago makapasok sa ibang lugar.

Samantala, nanawagan din ito sa mga traders na bumibili ng baboy sa Aklan na taasan ang presyo.


Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#MIGHTYCEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refendor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

 

 

 

 

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog