MATINEE IDOL PATRICK GUZMAN, PUMANAW NA SA EDAD NA 55-ANYOS

 


MATINEE IDOL PATRICK GUZMAN, PUMANAW NA SA EDAD NA 55-ANYOS

 

Ni Sam Zaulda

 

Pumanaw na ang matinee idol noong dekada ’90 na si Patrick Guzman sa edad na 55-anyos nitong Biyernes, Hunyo 16.

 

Sa isang ulat, sinasabing heart attack ang naging dahilan sa pagkamatay ng aktor sa Canada.

 

Si Patrick Guzman ay isang Canadian-Filipino actor at model na sumikat sa Philippine showbiz industry dahil sa taglay nitong talento at karisma hanggang sa binansagan itong matinee idol noon.

 

Bumida rin si Patrick sa ilang mga pelikula kasama ang ilang mga kilalang aktres kagaya na lamang ni Sharon Cuneta.

 

Naging guest co-host rin sya nni Vilma Santos sa musical variety show na VIP at gumawa ng maraming pelikula noong dekada '90 hanggang early 2000, bago ito nagpasyang bumalik at manirahan nang permanente sa Canada para bumuo ng sariling pamilya.

 

Samantala, maraming mga kaibigan at kakilala ni Patrick ang nakidalamhati sa kanyang pagpanaw.

 



Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng: 

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX 

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan. 

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog