MAG-AMA, SABAY NA NAKAPAGTAPOS NG SENIOR HIGH SCHOOL
Ni John Ronald Guarin
Nagbigay ng
inspirasyon sa netizens ang kwento ng mag-amang sina Jenalyn at Eleazar
Begornia mula sa Bulacan, kung sabay nilang nakamit ang diploma sa pagtatapos
ng Senior High School.
Ang ama na si Eleazar
Begornia, nagtatrabaho bilang maintenance at utility staff sa paaralan kung
saan nag-aaral ang kaniyang anak na si Jenalyn Begornia, ay naging kaklase pa
niya.
Napag-alaman din na
mismong pamunuan pa raw ng paaralan ang nagtulak kay Mang Eleazar upang
magpatuloy sa pag-aaral.
Ibinahagi ng misis ni
Eleazar at ina ni Jenalyn na si Farralyn Begornia ang mga litrato ng kaniyang
mag-ama, sa kaniyang Facebook post.
Ayon kay Eleazar, nais
niyang magpatuloy ng pag-aaral sa kolehiyo.
Kukuha aniya siya ng
kursong Edukasyon major in Physical Education matapos siyang surpresahin ng
scholarship ng paaralang kaniyang pinapasukan.
Si Jenalyn naman, balak
kumuha ng Hospitality Tourism sa Bulacan State University. Madali siyang
natanggap dahil nagtapos siyang With High Honors.
Samantala, proud na proud din ang paaralang pinagtapusan ng
dalawa sa mag-ama.
📷 Jenalyn Begornia/Facebook
Ang
balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga
bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it
Aklan, RADYO BANDERA!

0 Comments