![]() |
| Interview with PCPT. Maricel Guevarra ng Numancia PNP |
LALAKING NANG-SNATCH NG CELLPHONE, DAKIP SA IKINASANG HOT
PURSUIT OPERATION NG NUMANCIA PNP
Ni Teresa Iguid
Dakip sa ikinasang hot pursuit operation ng Numancia
Municipal Police Station ang isang lalaki matapos itong mang snatch ng
cellphone, pasado alas-diyes kagabi.
Sa panayam ng Radyo Bandera News Team kay PCPT. Maricel
Guevarra ng Numancia PNP, nabatid na nanunuod ng basketball tournament sa
nasabing bayan ang hindi na pinangalanang biktima hawak ang kaniyang iPhone XS
Max nang bigla na lamang itong hablutin ng suspek.
Kinilala ang suspek na si Uziel Solanoy,
31-anyos at residente ng Brgy. Dongon East, Numancia, na agad tumakbo palayo sa
lugar matapos makuha ang cellphone.
Ayon kay Guevarra, sinubukan pa itong habulin ng mga
nakakita ngunit hindi na naabutan, rason kung bakit agad naman itong
ipinarekord ng biktima sa kanilang tanggapan.
Dahil dito, agad naman na rumesponde ang Numancia PNP
katuwang ang mga Barangay Tanod sa lugar at matagumpay namang nahuli si Solanoy.
Nabatid din kay Guevarra na mayroon pang ilang mga insidente
ng pagnanakaw sa nasabing bayan na ang suspek din ang pinaghihinalaang sangkot
bagamat wala namang pormal na reklamo ang naiulat laban dito.
Sa ngayon ay hawak na ng mga otoridad ang suspek habang
pursigido naman ang biktimang mag sampa ng kaso laban dito.
Samantala, nagpaalala naman si Guevarra sa publiko na maging
alerto at maingat sa seguridad gayundin sa mga dinadalang gamit.
Ang bahaging ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#MIGHTYCEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refendor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

0 Comments