LALAKI, CONFINE SA OSPITAL MATAPOS SAKSAKIN NG KANYANG KAINUMAN SA TIYAN

 


LALAKI, CONFINE SA OSPITAL MATAPOS SAKSAKIN NG KANYANG KAINUMAN SA TIYAN

Ni Jurry Lie Vicente 

Nanatiling confine sa ospital ang 59-anyos na lalaki matapos saksakin ng kanyang kainuman sa tiyan ng kutsilyo sa Sitio Eangangae, Brgy. Rosario, Malinao, Aklan kagabi.

Kinilala ang biktimang si Mario Rettes at residente ng nabanggit na lugar habang ang suspek ay kinilalang si Arnold Rondario.

Sa panayam ng Radyo Bandera Sweet FM Kalibo kay PCPT Donnie Magbanua ng Malinao PNP, sinabi nito na pasado alas-7 ng gabi nang magkaroon ng argumento ang dalawa habang nag-iinuman.

Dahil dito, nag-away ang dalawa at bumunot ng kutsilyo ang suspek at sinaksak sa tiyan ang biktima.

Kaagad namang dinala si Rettes sa Aklan Provincial Hospital upang mabigyan ng atensyong medikal.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Malinao MPS ang suspek at mahaharap sa kasong frustrated homicide.


Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog