KaBandera, naaalala niyo pa ba ang simbolismo ng watawat ng Pilipinas?




 

KaBandera, naaalala niyo pa ba ang simbolismo ng watawat ng Pilipinas?

Sa ngayong selebrasyon ng Araw ng Kalayaan, ating alamin ang mga sumisimbolo sa watawat ng Pilipinas.

Ang Pambansang Watawat ng Pilipinas ay tinatawag ding “Tatlong Bituin at Isang Araw” na may apat na kulay; ang bughaw, pula, puti at dilaw.

Ang bughaw at pula sa watawat ng Pilipinas ay nakapahalang at magkapareho ng sukat kung saan makikita sa itaas ang bughaw at sa ibaba naman nito ang pula habang sa unahan naman nito ang puting tatsulok.

Makikita naman sa gitna ng puting tatsulok ang isang gintong-dilaw na araw na may walong pangunahing sinag at sa bawat taluktok nito ay may gintong bituin.

Ang bawat kulay at elemento na makikita sa watawat ay may kaakibat na kahulugan na sumisimbolo sa bansang Pilipinas.

Sa kasaysaysan, ang pambansang watawat ng Pilipinas ay mayroong parihabang disenyo na binubuo ng isang puting pantay na tatsulok, na kumakatawan sa kalayaan, pagkakapantay-pantay at pagkakatipan; ang pahalang na estripang bughaw ay para sa kapayapaan, katotohanan at katarungan at ang pulang katumbas nito ay para naman sa pagkamakabayan at kagitingan.

Sumisimbolo naman sa pagkakaisa, kalayaan, demokrasyang panlahat at sa soberanya ng bansa ang gintong araw na nasa gitna ng puting tatsulok.

Habang ang walong sinag na nakapalibot rito ay kumakatawan sa mga lalawigang may mahalagang pagkakalahok sa 1896 Himagsikang Pilipino laban sa España na kinabibilangan ng Maynila, Bulacan, Cavite, Pampanga, Bataan, Laguna, Batangas at Nueva Ecija.

Gayunpaman, ayon sa Pagpapahayag ng Pagsasarili (1898) at sa pag-aaral ng propesor ng UP na si Ambeth Ocampo, ang mga sinag ng araw ay kumakatawan diumano sa unang walong lalawigan ng Pilipinas na pinasailaliman ng Batas Militar noon sa nabanggit ng himagsikan.

Samantala, ang tatlong talang may limang sulok naman na matatagpuan sa bawat isang dulo ng tatsulok ay kumakatawan sa tatlong kapuluan kung saan nagsimula ang himagsikan: ang Luzon, Visayas at Mindanao.

 

Ang bahaging ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#MIGHTYCEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refendor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog