JHONG HILARIO, IBINAHAGI ANG
PAGTATAPOS BILANG MAGNA CUM LAUDE SA KURSONG POLITICAL SCIENCE
Ni Teresa Iguid
Hinangaan ng mga netizens ang aktor at host na si Jhong
Hilario matapos nitong ibahagi ang kaniyang pagtatapos sa kolehiyo bilang magna
cum laude sa kursong Political Science sa Arellano University.
Sa isang panayam sa “It’s Showtime” host, binanggit nito na sa edad na 46, pangarap pa rin nito na makapagtapos sa kolehiyo at ito rin ang kaniyang pangako sa kaniyang mga magulang.
Ayon kay Jhong ito ang kaniyang bayad-utang sa kaniyang mga magulang para sa lahat ng sakripisyo para dito.
Mababatid na hindi lamang dancer, TV host at aktor si Jhong kundi isa ring public servant sa Makati simula pa noong taong 2016.
Samantala hiniritan naman ng kaniyang batchmates ang “Sample King” na magbigay ng sampol ng sayaw matapos tanggapin ang kaniyang diploma.
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De
Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave.
Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag
kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

0 Comments