IMBESTIGASYON SA LALAKING BINARIL, NAGPAPATULOY

 



Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad upang makilala ang suspek at motibo sa likod ng pamamaril sa isang lalaki sa Sitio Cabcaban, Calizo, Balete, kaninang madaling araw.

Sa panayam ng Radyo Bandera News Team kay PMAJ. Bryan Alamo, hepe ng Balete PNP nabatid na bandang alas-3 kaninang madaling araw nakatanggap sila ng tawag na may nangyaring pamamaril sa nasabing lugar kung saan naabutan pa nila ang biktima na nakahiga at sugatan na agad namang dinala sa pagamutan. 

Ayon kay Alamo, isa sa kanilang tinitingnang posibilidad ay magkakilala ang biktimang si Robert Dela Cruz at ang suspek na nangatok pa sa tahanan nito bago ang pamamaril. 

Pinag-aaralan din aniya ng kanilang hanay kung may koneksyon ang nangyaring pagbaril dito, sa mga nakalipas na rekord na kinasasangkutan nito tulad ng robbery, frustrated homicide at ang nangyaring komusyon kamakailan lamang.

Sa ngayon, ayon kay Alamo ay mayroon na silang mga sinusundang lead at posibleng ngayong araw din ay matukoy na ang person of interest. 

Samantala, nakatakda namang isasailalim sa ballistic examination ang na recover na mga empty shell sa pinangyarihan ng krimen habang patuloy naman na nilalapatan ng atensyong medikal ang biktima na sa kasalukuyan ay nananatiling nasa kritikal na kondisyon. 

|TERESA IGUID

Ang programang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA! 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog