Kapwa nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang dalawang rider matapos magsalpukan ang kanilang sinasakyang motor sa Barangay Caano Kalibo, Aklan.
Batay sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, mula sa direksyon
ng Kalibo ang isang motorstar na motorsiklo na minamaneho ni Melvin Cornales,
at papunta sa New Washington nang makabanggaan nito ang isang susuki smash na
motor sa Brgy. Caano na minamaneho ni Reynald Guntan.
Sinasabing pagdating sa lugar ay liliko na sana si
Cornales ngunit bigla na lamang nag-overtake si Guntan na papunta rin sa
parehong direksyon.
Dahil dito, natumba ang dalawa at parehong nagtamo ng
sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan kung saan kaagad namang dinala sa
ospital upang mabigyan ng atensyong medikal.
Samantala, nasa kustodiya ng Kalibo PNP ang mga
motorsiklo at wala pang nangyaring settlement sa pagitan ng magkabilang
panig.
|Jurry Lie Vicente
Ang balitang ito ay hatid sa
inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments