Nasa P1,146,473.00 ang kabuuang
halaga ng assistance ang inilaan para sa mga pamilyang apektado ng bagyong
Betty sa Western Visayas.
Kung saan, P921,586.00 ang
galing sa Department of Social Welfare and Development at P224,887.00 naman ay mula
sa mga lokal na pamahalaan sa Western Visayas.
Ayon sa datos ng DSWD 6 as
of June 1, 2023, nakapagtala ang ahensya ng nasa 4,299 na mga pamilyang
apektado mula sa 4 na probinsya ng Rehiyon 6.
Habang, 523 na mga pamilya
naman ang nai-record na nasa loob ng mga evacuation centers.
Kaugnay nito, 4 na mga
kabahayan ang naitalang totally damaged ng bagyong Betty habang 25 ang
partially damaged.
Sa kabila nito, mayroon pang
P91,603,357.81 na halaga ng relief goods ang nakastandby sa mga itinalagang
warehouse ng DSWD kung saan P44,172,999.72 dito ang kabuuang halaga ng family
food packs at P42,429,062.74 naman ang kabuuang halaga ng mga non-food items.
Samantala, patuloy pa rin ang
isinasagawang monitoring ng DSWD 6 at pamamahagi ng technical assistance sa mga
apektadong LGUs dulot ng Southwest Monsoon.
Ang programang ito ay hatid
sa inyo ng:
#D3BIO
#DTX500
#PURECEE
#DTXCOFFEEMIX
Mabibili sa lahat ng mga
botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa
Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod –
tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!
0 Comments