4 NA MGA SUSPEK NG ONLINE SCAMMING, INARESTO NG NBI
Ni John Ronald Guarin
Inaresto ng National Bureau of Investigation Cybercrime Division
(NBI-CCD) ang apat na pinaghihinalaang sellers ng pekeng Gcash accounts na
nahaharap sa mga kaso na may kaugnayan sa Access Device Regulation Act of 1998.
Ayon kay NBI-CCD head Atty. Jeremy Lotoc, ang mga sellers ay bahagi
ng organized operations na nagbebenta ng pekeng e-wallet accounts na ginagamit
ng fraudsters bilang money mules upang itago ang kanilang pagkakakilanlan sa
pagsasagawa ng criminal activities tulad ng phishing at swindling.
Idinagdag pa niya na mahigpit na nakikipag-ugnayan ang NBI sa
industry players upang paigtingin ang kampanya laban sa cybercriminals habang
itinataas ang kamalayan sa kung paano maiiwasan ng publiko na mabiktima ng
scam.
Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:
Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa
Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building
Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.
Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO
0 Comments