ESTUDYANTE MULA AKLAN, FIRST TIME NA MAKAKAIN SA ISANG SIKAT NA KAINAN; NAGING EMOSYONAL DAHIL SA KANIYANG MGA MAGULANG

 

ESTUDYANTE MULA AKLAN, FIRST TIME NA MAKAKAIN SA ISANG SIKAT NA KAINAN; NAGING EMOSYONAL DAHIL SA KANIYANG MGA MAGULANG


Ni John Ronald Guarin

 

Naging emosyonal ang isang Agricultural student mula Aklan habang kumakain sa isang sikat na restaurant sa lungsod ng Iloilo.


Sa Tiktok post ng agriculturist at guro ng estudyante na si Gene Taglay Señeris, kumakain sila sa Ribshack sa SM City Iloilo nang biglang umiyak ang kaniyang estudyante dahil kumakain aniya siya ng masarap na pagkain pero ang kaniyang mga magulang, ni hindi nakaranas na makatikim ng ganoong klaseng pagkain.


Napag-alaman din na “first time” niyang makakain sa isang sikat na kainan.


“Kumakain daw sya ng masarap pero parents nya hindi nakatikim ng masarap nyang pagkain,” caption ni Gene.


As of posting, umabot sa 2.4 million views ang nasabing Tiktok video habang nasa 2,124 ang nagkomento sa makabagbag-damdaming kwento ng estudyante.


Matapos nang mag-viral ang nasabing Tiktok video, nag-offer ang Ribshack Roxas City na ilibre ang estudyante kasama ang kaniyang mga magulang.


📹 Gene Taglay Señeris/Tiktok

 

Ang balitang ito ay hatid sa inyo ng:

#D3BIO

#DTX500

#PURECEE

#DTXCOFFEEMIX

Mabibili sa lahat ng mga botika sa Aklan at sa Clinica De Alternativo Medicina and Wellness Center sa Refindor’s Building Osmenia Ave. Kalibo, Aklan.

Naga bandera it minatuod – tuod nga serbisyo publiko ag kalingawan sa probinsya it Aklan, RADYO BANDERA!

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog